Batay sa aralin, teknikal-bokasyonal na sulatin, marami kaming natutunan. Tulad nalang ng kahalagahan nito sa industriya, kaunlaran sa teknolohiya, pag unlad ng komunidad para maisagawa ang isang proyekto sa paglalahad ng mga impormasyon at maisakatuparan ang layunin nitong makapagbigay-alam sa mga taong gustong makaalam ng isang proyekto o impormasyon ng produkto.
Natutunan din namin na maaaring magpalawak ito ng ating kaalaman sa paraan ng pagsulat at komunikasyon. Layunin din nitong mag analisa ng mga pangyayari at implikasyon at manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon. Mas naiintindihan na namin ngayon kung bakit mahalaga ang sulating ito, ano ang mga gamit nito, at mga layunin nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento